Narito ang mga nangungunang balita ngayong Huwebes, MAY 2, 2024

- Minimum wage rates sa iba't ibang rehiyon, pinarerepaso ni PBBM | Skills training at proteksyon ng mga manggagawa kabilang ang mga OFW, pinatututukan ni PBBM | PBBM: Operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market, sususpendihin ng ERC tuwing may Red Alert
- Water tanker ng Manila LGU, nagbubuga ng tubig sa mga kalsada para mabawasan ang init | Task Force El Niño, nagpaalala na dapat magtipid ng tubig | Ilang residente, sa kalsada naliligo gamit ang tubig mula sa tubo sa drainage | Paggamit ng inflatable pool, diskarte ng ilang residente para mapreskuhan
- PCG: Puwersang ginamit ng China sa pag-water cannon sa mga barko ng Pilipinas, maaaring makamatay | Pamamahagi ng krudo at supplies sa mga mangingisdang Pilipino, itinuloy sa kabila ng pangha-harass ng China | Ilang barko ng China, umaaligid sa Balikatan Exercises sa Palawan | Ex-Supreme Court Sr. Assoc. Justice Carpio: Kilos ng China, may kaugnayan sa interes ng Pilipinas na magsagawa ng oil at gas explorations sa West Philippine Sea | Iba't ibang bansa, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas at kinondena ang pangha-harass ng China
- Pasok ng mga empleyado ng LGUs sa NCR, ginawang 7 am - 4 pm para mabawasan ang traffic sa Metro Manila - Panayam kay Metro Manila Council Chairman & San Juan Mayor Francis Zamora
- Isinarang Kamuning Flyover, nagdulot ng mabigat na trapiko | Panayam kay MMDA Acting Chairman Romando Artes
- MMDA: Peke ang kumakalat na text message at link kaugnay sa NCAP | MMDA: Suspendido pa rin ang NCAP
- Pagbabawal ng cellphones sa mga classroom, nais ipagbawal ni Sen. Gatchalian | Problema sa kuryente ngayong tag-init, nais paimbestigahan ni Sen. Gatchalian - Panayam kay Sen. Sherwin Gatchalian
- 7am - 4pm na bagong working hours sa Metro Manila LGUs, simula na ngayong araw | Ilang empleyado ng Manila City Hall, pabor sa pinaagang work hours
- Mainit na panahon, tinitingnang sanhi ng grassfire sa Chocolate Hills | BFP: 6 grassfire kada araw ang naitatala sa Carmen, Bohol ngayong tag-init
- Libreng malamig na tubig, alok ng gasoline station sa mga motorista
- Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, nasa Pilipinas; interesado raw matuto ng wikang Filipino at tumikim ng pagkaing Pinoy

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.